^

Metro

4 na pulis inireklamo sa kikil

-

MANILA, Philippines - Apat na pulis ang kina­su­han ng extortion at illegal arrest ng isang lola sa Northern Police District-Internal Affair Services ka­hapon ng umaga.

Kinilala ang mga suspek na sina Insp. Rodrigo So­riano, hepe ng Station Special Operation Group at mga tauhan nito na sina PO2 Jo­nathan Perillo, PO2 Manuel Mejia at PO1 Noel Gregorio.

Sinasabi ng biktimang si Edna Morales, 60, ng Pan­day Pira, Bagong Barrio, Ca­loocan City na, noong May 20, 2009 ay hinuli ng mga nasabing pulis ang kanyang dalawang anak na sina Apel, 32, at Bernard, 36; sa sabu­ngan sa La Loma, Quezon City. Dinala ang magkapatid sa presinto sa 9th Avenue at kakasuhan umano ng illegal possession of drugs kung hin­di magbibigay ng P20,000 ang bawat isa.

Napilitan ang ginang na magbigay subalit maka­lipas ang ilang araw ay ang anak na babae ng una na si Mia, 28, naman ang hinuli ng mga nasabing pulis sa kanilang bahay sa Bagong Barrio at hiningan ng P15,000 upang maka­laya na pinagbigyan uli ng ginang.

Ilang linggo ang lumipas ay iniikutan na ng mga na­sabing pulis ang bahay ng ginang na naging dahi­lan upang magsampa na ito ng kaso laban sa mga suspek. (Lordeth Bonilla)


vuukle comment

BAGONG BARRIO

EDNA MORALES

LA LOMA

LORDETH BONILLA

MANUEL MEJIA

NOEL GREGORIO

NORTHERN POLICE DISTRICT-INTERNAL AFFAIR SERVICES

QUEZON CITY

RODRIGO SO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with