MANILA, Philippines - Na-“shock” sa sobrang takot ang aktres na si Anne Curtis matapos na sumalpok ang minamaneho niyang sports car sa isang mini-truck sa Quezon City ka hapon ng madaling- araw.
Base sa ulat ni SPO2 Reynaldo Patiag ng Traffic Sector 6, ala-1:30 ng madaling-araw nang maganap ang aksidente sa panulukan ng Congressional Avenue at Mindanao Avenue sa nasabing lungsod.
Binabaybay ng aktres o Anne Smith Ojales sa tunay na buhay ang kahabaan ng Mindanao Avenue sakay ng minamanehong Porsche SUV nang pagsapit sa Congressional Ave. ay biglang nawalan ito ng preno at dumiretsong sumalpok sa likurang bahagi ng Mitsubishi Canter FB na minamaneho ni Marcelino Aquino.
Dahil bahagya lamang ang impact ng pagkakabangga ay na-shock ang aktres kasabay ng pananakit ng katawan nito.
Samantala, nangako naman ang aktres na sasagutin ang sira ng mini-truck ng biktima matapos siyang kasuhan ng damage to property sa himpilan ng nasabing pulis trapiko.
Ayon kay Patiag, hindi na isinugod ang actress sa pagamutan dahil kaunting bugbog lamang sa katawan ang sinapit nito. (Ricky Tulipat)