Naaagnas na bangkay ng duktor natagpuan

MANILA, Philippines - Kung hindi pa nangamoy ay hindi matutuklasan ang malamig na bangkay ng isang 55-anyos na doktor sa loob ng kanyang tinutuluyang kuwarto sa lungsod Quezon, ayon sa ulat ng pulisya kahapon. Ang biktima ay kinilalang si Jeremias Abitong, binata, nakatalaga sa Mariano Marcos Memorial Hospital­ and Medical Center sa Ilocos Norte.

Natuklasan ang bangkay ng biktima pasado alas-7:30 ng umaga kamakalawa sa loob ng kuwarto nito sa room 217 PMA Doctor’s Inn sa Barangay Pag-Asa, North Avenue sa lungsod. Sa pagsisiyasat ng pulisya, ang biktima ay nasa state of decomposition dahil sa matagal na pagkamatay nito. (Ricky Tulipat)

Show comments