Anak ng ex-Judge natusta sa sunog

MANILA, Philippines - Nakadapa ang na­tus­tang katawan ng isang 56 anyos na lalaking anak ng isang retiradong hukom nang matagpuan ng bum­bero sa loob ng kaniyang kuwarto matapos maapula ang sunog na puminsala sa kanilang bahay sa Paco, Maynila kahapon ng ma­daling-araw.

Hindi na makilala dahil sa pagkasunog ng katawan ang biktimang si Rafael Pulido, residente ng 1289 Burgos St., Paco, anak ni dating Manila Metropolitan Trial Court Judge Vicente Pulido.

Nagsimula ang sunog dakong alas-2:40 ng ma­daling-araw na umabot lamang sa unang alarma at alas-3:35 ng madaling araw nang maapula ang apoy.

Wala sa bahay ang ama ng biktima nang masunog ito.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog.

Pinaniniwalaang hindi na nagawang makalabas ng kuwarto ang biktima nang magsimula ang sunog sa ikalawang pa­lapag ng bahay. (Ludy Bermudo)

Show comments