^

Metro

Sa bisperas ng SONA: Pro-GMA banner nagkalat sa MM

-

MANILA, Philippines - Bisperas pa lang ng State of the Nation Address ni Pangulong Gloria Arroyo pero nakasabit na kahapon sa mga overpass at footbridges sa Metro Manila ang   ilang banner na nagpupugay sa kanyang mga nagawa sa larangan ng edukasyon.

Isang halimbawa ang banner sa isang footbridge malapit sa Sto. Domingo Church sa Quezon City na may nakasaad na “Maraming salamat Pangulong Gloria... 4.3 milyong scholars­.. Edukasyon, susi sa kaunlaran, sandata laban sa kahirapan.”

Sa naturang banner, nakikipagkamay ang Pangulo sa isang babaeng estudyante na sinasabing iskolar ng bayan.

Bukod sa mga naturang banners, nakaladlad din sa maraming lugar ang banners naman ng pagbati sa ika-95 anibersaryo ng Iglesia ni Cristo.

Sinasabing ang naturang banners ay inilagay ng mga kapanalig ng Pangulo bilang pagpapakita ng pagsuporta sa kanya.

Inaasahan namang susugod ngayong Lunes sa perimeter ng Batasan Complex sa Quezon City ang may 3O,OOO ralista na magsasagawa ng kilos-protesta kasabay ng SONA na isa­sagawa sa muling pagbabalik ng Kongreso sa regular session nito.

Itinaas na simula kahapon ng umaga ang full alert status at lalo pang pagpapalakas sa pwersa ng pulisya at militar sa Metro Manila bilang paniniyak sa seguridad sa panahon ng SONA.

Upang hindi na maulit ang posibleng pagsiklab na naman ng isang uri ng “People’s Power”, mahigpit na babantayan ng Eastern Police District ang EDSA Shrine sa Mandaluyong upang hindi mapasok ng mga militanteng grupo na maaaring magsagawa ng kilos-protesta dito.

Dahil din sa inaasahang pagsisikip ng trapiko sa mga rally, pagdaraos ng SONA at sa pagdiriwang ng ika-95 anibersaryo ng INC, sinuspinde ng Department of Education ang mga klase sa mga paaralan sa Metro Manila ngayong Lunes. (Ricky Tulipat, Danilo Garcia at Rose Tamayo-Tesoro)

BATASAN COMPLEX

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF EDUCATION

DOMINGO CHURCH

EASTERN POLICE DISTRICT

METRO MANILA

PANGULO

PANGULONG GLORIA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with