^

Metro

Igle­sia ni Cristo magdiriwang ng ika-95 anibersaryo

-

MANILA, Philippines - Ipagdiriwang ng Igle­sia ni Cristo ang ika-95 ani­­bersaryo nito sa Lunes, Hulyo 27, sa pa­mamagitan ng pagda­raos ng malalaking pag­titipon sa 14 dako sa Pili­pinas at sa limang lugar sa apat na iba pang bansa.

Mula sa Luzon, Visa­yas hanggang sa Minda­nao, inaasahang daan-daang libong delegado ang dadagsa sa bawat itinakdang dako sa 12 rehiyon sa bansa upang ipagdiwang ang “Iglesia ni Cristo Day”. Ang limang oras na pagtitipon ay magsisimula nang 4:30 ng hapon.

Sa Metro Manila, ang mga pagtitipon ay ida­raos sa Araneta Coli­seum sa Cubao, Que­zon City at sa Rizal Memorial Complex sa Maynila.

Sa mga probinsya, ang mga delegadong INC ay magtitipun-tipon sa Butuan City Sports Complex sa Agusan del Norte; Bicol University Sports Complex and Com­ mencement grounds sa Legaspi City, Albay; Cebu Sports Center sa Cebu City; General San­tos City Oval Plaza sa South Cotabato; Davao Agro-Industrial Institute Football Field sa Davao City; Quirino Sta­dium sa Bantay, Ilocos Sur; Cen­tral Integrated Terminal sa Santiago City, Isabela; Ashton Field Subdivision grounds sa Calamba City, Laguna; Panaad Stadium sa Bacolod City, Negros Occidental; Villa del Sol Subdivision-Olongapo-Gapan Road sa San Fernando City, Pam­panga; Narciso Ra­mos Sports Center sa Lingayen, Pangasinan; at Ipil Sports Complex sa Zamboanga City, Zam­boanga-Sibugay.

Ang iba pang mga lokal na kongregasyon ng INC sa Pilipinas na ma­layo sa mga nabang­git na dako, gayundin ang mga nasa ibang mga bansa, ay magka­ karoon din ng pagtitipon sa kani-kaniyang gusa­ling sam­bahan kasabay ng mala­laking pagtitipon.

ARANETA COLI

ASHTON FIELD SUBDIVISION

BACOLOD CITY

BICOL UNIVERSITY SPORTS COMPLEX AND COM

BUTUAN CITY SPORTS COMPLEX

CALAMBA CITY

CEBU CITY

CEBU SPORTS CENTER

CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with