P40-milyong pekeng bag kinumpiska ng NBI

MANILA, Philippines - Nasabat ng mga ahente ng National Bu­reau of Investigation ang may P40 milyon halaga ng pekeng “LeSportac” bags sa isinagawang pagsalakay sa mga bo­dega at ilang tindahan sa Binondo, Maynila.

Kabilang sa mga sina­lakay ang stalls sa No. 1B-26, IB-34, IE-29, IN-07, IF-4 na nasa 168 Shop­ping Mall, Sta. Elena St., Binondo at stalls CUG -64, CUG 60/62, BUG -60/62, ES-30/32, New Divisoria Mall, Tabora St., San Nicholas, Maynila; at isang bodega na nasa 501 Aclem Bldg., Juan Luna, Binondo.

Ang pagsalakay ay ginawa bunsod sa rek­lamo ng Didymus Busi­ness Proprietary Support Services na kumakata­wan sa Le Sportac pro­ducts at sa bisa ng war­rant of arrest na pinalabas ni Judge Antonio Eugenio Jr. ng Manila RTC Branch 21.

Nabatid na nagsa­gawa ng serye ng surveil­lance ang mga operatiba ng NBI-Intellectual Pro­perty Rights Division sa ilalim ng pamumuno ni Regional Director Atty. Elfren Meneses.

Tinatayang aabot sa may 22,371 piraso ng iba’t ibang pekeng Le Sportac bags ang na­kum­piska.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa RA 8293 na kilala bilang Intel­lectual Property Code of the Philippines sina Tony Tan, Jocelyn Que-Tan at dalawang John Does. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments