Mga dayuhang sasama sa rali sa SONA, imomonitor ng Bureau of Immigration

MANILA, Philippines - Inatasan kahapon ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner No­noy Libanan ang kan­yang mga intelligence operatives na i-monitor at manmanan ang lahat ng mga dayuhan na lalahok sa mass actions sa Lunes sa darating na State of the Nation Address (SONA) ng Pangu­long Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa memorandum ni Libanan inatasan nito si Atty. Faizal Hussin, BI intelligence chief na im­bestigahan ang lahat ng mga aktibistang dayuhan na lalahok sa mga kilos protesta sa Lunes at kaagad na isa­ilalim sa deportation proceedings at ilagay sa immigration blacklist.

Bukod dito, inatasan din si Hussin na ma­ngalap ng lahat ng impor­masyon at pagkaka­kilanlan sa pamamagitan ng litrato, pasaporte, address ng tirahan at immigration status tungkol sa mga dayuhan na lalahok sa kilos protesta.

Show comments