^

Metro

Sugarol binugbog sa itinayang pekeng pera

-

MANILA, Philippines - Lamog na ang katawan, nakulong pa  sa kasong paglabag sa Illegal Possession and Use of False Treasury or Bank Notes o Article 168 ng Revised Penal Code ang isang 35-anyos na lalaking nagsugal gamit  ang pekeng P500-bills nang kuyugin ng taumbayan at ipadakip sa mga pulis sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng madaling-araw. Hawak ngayon ng MPD-Station 3 (Sta. Cruz) ang suspek na si Larry Silva, miyembro ng Sigue-sigue-Commando at residente ng Tindalo St., Tondo dahil sa reklamo ni Arnel Fabro 39, kagawad ng barangay 316, Zone 32,  District III at residente ng M. Natividad St., Sta. Cruz, May­nila. Ayon sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang ma­ganap ang insidente sa isang lamayan sa patay sa M. Natividad St., Sta. Cruz, Maynila nang mapuna ng mga kalaro ng suspect sa sugal ang pekeng pera na pinantataya nito. Kinom­pronta ng kanyang mga kalaro ang suspect na nagtangkang tumakas kung kaya ito binugbog ng kalaro at ipadakip sa pulisya. (Ludy Bermudo)

ARNEL FABRO

BANK NOTES

CRUZ

ILLEGAL POSSESSION AND USE OF FALSE TREASURY

LARRY SILVA

LUDY BERMUDO

MAYNILA

NATIVIDAD ST.

REVISED PENAL CODE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with