^

Metro

Premonisyon sa kamatayan

-

MANILA, Philippines - “Huwag mong iwanan ang nanay mo.”

Ito ang huling hinabilin ng isang 53-anyos na estibador sa kaniyang anak na babae bago nabaril na ikinamatay nito, habang papasok ng kaniyang trabaho, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Namatay sa pinangyarihan ang biktimang si Armando Figueroa, ng Sta Isabel St., Tondo, na magtamo ng bala sa mukha.

Tinutugis naman ang mga di pa kilalang suspek na umano’y pawang menor de edad at armado ng di nabatid na kalibre ng baril.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:20 ng gabi nang maga­nap ang insidente sa harapan ng isang bahay sa 1050 Carmen Planas St., Tondo.

Nauna rito, habang nagha­handa umano ang biktima para pumasok sa kanyang trabaho ay kinausap nito ang kanyang anak na si Andrea Marie at sinabihan na “Anak huwag mong iwanan ang nanay mo.”

Naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang lapitan siya ng ’di nakilalang mga suspek na umano’y pawang mga menor de edad pa  at walang sabi-sabing pinagba­baril ito sa mukha na nagre­sulta sa kan­yang agarang kamatayan.

Nagulat ang  live-in partner ng biktima, na kinilalang si Winnie, nang balitaan siya ng kapatid niyang si Flor, na patay na ang asawa niya at nakahan­dusay pa sa kalye.

Sinabi ni Winnie sa imbesti­gador, na bago bumaba ng bahay ang kanyang mister ay tila may premonisyon na nag­habilin sa kanilang anak.

Wala pang nakikitang mo­tibo sa pamamaslang ang pulisya. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ANAK

ANDREA MARIE

ARMANDO FIGUEROA

CARMEN PLANAS ST.

HUWAG

LUDY BERMUDO

SHY

STA ISABEL ST.

WINNIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with