23 paaralan sa QC, walang pasok sa SONA
MANILA, Philippines - May 23 mga paaralan sa Quezon City ang walang pasok sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Gloria Arroyo sa Lunes Hulyo 27.
Ayon kay Supt. Victoria Fuentes ng QC Division of Schools, partikular na walang klase sa mga paraalan pribado man o pampubliko sa kahabaan ng Commonwealth Ave nue at IBP road sa Batasan.
Inatasan na rin ni Fuentes ang mga tauhan nito na alamin pa ang ilang mga paaralan sa lungsod na maapektuhan ng kilos protesta na isasagawa ng iba’t ibang sektor sa SONA. Una nang nag-abiso ng walang pasok sa lahat ng level ang ilang pribadong paaralan sa Commonwealth Avenue tulad ng Diliman Preparatory School, Our Lady of Mercy at inaasahan pa ang ibang paaaralan na maiipit sa mga rally na magdedeklara na rin ng walang pasok sa Lunes.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Marlex Cantor, media relations officer ng New Era University na walang kinalaman sa SONA ni PGMA ang pagkawala nila ng pasok sa Lunes, Hulyo 27, dahil sa araw na ito ay gugunitain ng lahat ng kaanib sa buong mundo ang ika 95-taon nang pagkakatatag ng Iglesia Ni Cristo. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending