^

Metro

Dalaw ng preso inutas sa kubol

- Nina Ludy Bermudo at Doris Franche -

MANILA, Philippines - Sa halip na magpasalamat, kamatayan ang isinukli sa dalaw na babae ng isang Manila City Jail detainee, na hinihi­nalang pinatay sa sakal sa loob ng isang ‘kubol’ ng MCJ, kama­kalawa ng hapon, sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ni Det. Jaime Gon­zales ng Manila Police District-Homicide Section ang bikti­mang si Joan Fernandez, 25, ng Interior 60, Zamora St., Pan­dacan, Maynila na live-in partner­ umano ng suspek.

Isinailalim naman sa im­bestigasyon at inihahanda ang kasong homicide laban sa presong suspek na si Nelson Danao, 24, nakapiit sa Dorm-2 ng MCJ sa kasong robbery at residente ng Zamora St., Pandacan.

Nasorpresa umano ang isang Eduardo Ruban, maintainer ng ‘kubol’, dahil ang pa­upahang kubol ay siyang ‘mini-hotel’ ng mga mag-asawa o magkasintahan sa piitan nang bumulaga sa kanya ang bang­kay ng biktima matapos niyang inspeksiyunin ito.

Nabatid na dumalaw ang bik­tima kasama ang isang Rubie Lubog at nang magkita na ang biktima at suspek ay umupa sila sa kubol para sa kanilang ‘privacy’.

Pinaniniwalaang nagtalik pa ang suspek at biktima bago nagtalo at nagselosan na nauwi sa pananakal.

Ayon umano kay Ruban, ang suspek lang ang lumabas ng kubol matapos ang mahigit isang oras kaya inalam niya kung may tao pa ang kubol at doon nakita ang nakahandusay na biktima.

Ipinabatid ni Ruban sa iba pang preso at kay Jail Inspector Carlos Lanzuela na siyang nagdala sa biktima sa Jose Reyes Memorial Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival.

Base sa inisyal na imbesti­gasyon ng pulisya, nakitang may marka ng sakal sa leeg ang biktima na sinasabing naging dahilan ng kamatayan nito.

Samantala, pinasailalim ni Manila City Jailwarden Sr. Supt. Hernan Grande sa medical evaluation ang suspect.

Sa panayam kay Grande, sinabi nito na ngayon lamang nila naobserbahan na may kakaibang kilos si Danao, 24 matapos itong makulong noong Hulyo 6 sa kasong robbery.

Ayon kay Grande, posible umanong naburyong si Danao sa matagal na hindi pagdalaw sa kanya ng ka-live-in kaya nang dumating ito ay nagselos ang preso saka pinatay ang biktima.

Aminado si Grande na pina­payagan nila ang conjugal visit dahil wala namang sapat na visiting area ang MCJ. Aniya, legal naman ang conjugal visit subalit hindi umano nila alam na gagawin ito ni Danao.

AYON

BIKTIMA

DANAO

EDUARDO RUBAN

HERNAN GRANDE

JAIL INSPECTOR CARLOS LANZUELA

JAIME GON

SHY

ZAMORA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with