^

Metro

CCTV Ordinance ipapatupad sa Valenzuela

-

MANILA, Philippines - Papatawan ng parusa ang sinumang negos­yante na hindi maglalagay ng Close Circuit Television (CCTV) sa kanilang esta­bli­simento sa Valenzuela City.

Ito’y matapos apruba­han kahapon ang isang or­di­nansa na mag-oobliga na dapat lagyan ng natu­rang gadget ang lahat ng establisimento sa lungsod.

Ang CCTV Ordinance na inihain ni Councilor Alvin Feliciano, pangulo ng Liga ng mga Barangay sa nabanggit na siyudad

Layunin aniya ng CCTV Ordinance na ma­ba­wasan at tuluyang ma­sugpo ang nagaganap na holdapan sa iba’t ibang business establishments.

Sa pamamagitan aniya ng CCTV Ordinance ay mag­dadalawang-isip na ang mga kriminal na gu­mawa ng kanilang modus operandi sa buong lung­sod dahil madali na silang ma­kikilala ng mga awto­ridad.

Dahil sa pagkakapasa ng nasabing ordinansa ay inoobliga ang lahat ng ne­gosyante na maglagay ng CCTV sa kanilang mga es­tablisimento na may inis­yal na puhunan na P5-mil­yon pataas. Kabilang sa mga ito ay ang mga banko, gas stations, commercial es­tablishments tulad ng gro­ceries, department stores at iba pang katulad na negosyo na matatag­puan sa buong Valenzuela City.

Ang sinumang negos­yante na mahuhuling hindi sumusunod sa ordinan­sang ito ay papatawan ng parusang multang P2,000 (1st offense);   multang P3,000 ( 2nd offense) at automatic temporary sus­pension ng business per­mit sa loob ng 15 araw; at sa ikatlong paglabag ay multang P5,000 at 30 araw na suspension ng busi­ness permit at 4th offense – permanenteng pagbawi sa business permit at pag­papatigil sa operasyon nito. (Lordeth Bonila)

CLOSE CIRCUIT TELEVISION

COUNCILOR ALVIN FELICIANO

DAHIL

KABILANG

LAYUNIN

LIGA

LORDETH BONILA

SHY

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with