P33-milyong puslit na bigas at bawang, nasamsam
MANILA, Philippines - Nasabat kahapon ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang P38 milyon halaga ng smuggled na bigas at bawang sa Manila International Container Port Authority (MICP).
Nabatid na nakalagay sa 22 na 20-footer containers van ang glutinous rice na nagkakahalaga ng P33.5 milyon, samantalang ang bawang na tina tayang P4.5 milyon ay nakalagay sa apat na 40-footer van na naka- pangalan sa Kaye International Trading.
Nagbabala naman si -Customs Intelligence and Investigation (CIIS) director Filomeno Vicencio Jr. na kapag natapos ang 30-araw at hindi naghain ng import entries para sa mga kargamento ang consignee ay awtomatikong kukumpiskahin ang mga ito ng gobyerno.
Sinabi pa nito na prayoridad sa watchlist ng BOC-anti smuggling operatives ang mga agricultural commodities na siyang nagiging dahilan upang malugi ng milyon piso ang mga local na farmers sa bansa.
Kaagad naman i-o-auction ang mga nakumpiskang kargamento upang hindi ito masira at mapunta ang kita sa kaban ng pamahalaan.
Nilinaw din ng BOC na ang mga accredited rice traders lamang ng National Food Authority (NFA) ang siyang maaring makilahok sa auction. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending