Dalaga nagbigti, patay

MANILA, Philippines - Isang dalagang medi­cal representative ang nag­­bigti matapos na mag­ka­galit ng kanyang boy­friend sa lungsod Quezon, kama­kalawa.

Kinilala ang na­sawi na si Pamela Ann Bu­nagan, 25, ng Brgy. Mari­lag ng na­banggit na lungsod.

Ayon sa pulisya, ang bik­tima ay natagpuan la­mang na nakabitin sa loob ng kanyang kuwarto ng mismong boyfriend nito na si Paul Derrick Tan ganap na alas-11:10 ng gabi ka­makalawa.

Lumilitaw sa pagsisiya­sat na bago ang insidente, nagkaroon umano ng pag­tatalo ang biktima at boy­friend ilang linggo na ang nakakalipas na hu­man­tong sa hindi na pag­kikita ng mga ito. Nagpunta umano si Tan sa bahay ng kasinta­han para ayusin ang hindi nila pagkakaunawaan   ngu­nit ang nadatnan nito ay ang nasabing pangya­yari. Bago natuklasan ni Tan ang pagbigti ng syota ay naghintay muna ito sa sala sa paglabas ng bik­tima. Ngunit ilang oras na siyang naghihintay ay hindi pa ito lumalabas kung kaya nagpasya si Tan na punta­han ang biktima sa kan­yang kuwarto na nasa ika­lawang palapag.

Nang katukin ni Tan ang pinto ay walang re­aksyon sa loob dahilan upang pu­wersahin na niya itong buk­san kung saan nakita nito ang gf na naka­bitin sa ca­binet gamit ang nylon cord. Agad na nagsi­sigaw ng saklolo si Tan na nag­bigay aten­syon sa mga ma­gu­lang ng biktima at isinugod   ito sa Capitol Me­dical Cen­ter ngunit maka­lipas ang alas-12:10 ng gabi ay idi­neklara rin itong patay.

Samantala, isa ring 24-anyos na matansero ang natagpuang nakabigti sa loob ng kanyang bahay, sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Kinilala ito na si Do­mingo Mendoza, butcher sa Vitas slaughter house at residente ng #2425 Boni­facio St., Vitas, Tondo.

Dakong alas-9:30 ng umaga nang matuklasan ng live-in partner ng bik­tima, na si Joan Fernan­dez, ang insidente. Sinasa­bing ang patung-patong na problema ang dahilan kung bakit nagawa nitong magpakamatay. (Ricky Tulipat at Ludy Bermudo)

Show comments