Dalaga nagbigti, patay
MANILA, Philippines - Isang dalagang medical representative ang nagbigti matapos na magkagalit ng kanyang boyfriend sa lungsod Quezon, kamakalawa.
Kinilala ang nasawi na si Pamela Ann Bunagan, 25, ng Brgy. Marilag ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa pulisya, ang biktima ay natagpuan lamang na nakabitin sa loob ng kanyang kuwarto ng mismong boyfriend nito na si Paul Derrick Tan ganap na alas-11:10 ng gabi kamakalawa.
Lumilitaw sa pagsisiyasat na bago ang insidente, nagkaroon umano ng pagtatalo ang biktima at boyfriend ilang linggo na ang nakakalipas na humantong sa hindi na pagkikita ng mga ito. Nagpunta umano si Tan sa bahay ng kasintahan para ayusin ang hindi nila pagkakaunawaan ngunit ang nadatnan nito ay ang nasabing pangyayari. Bago natuklasan ni Tan ang pagbigti ng syota ay naghintay muna ito sa sala sa paglabas ng biktima. Ngunit ilang oras na siyang naghihintay ay hindi pa ito lumalabas kung kaya nagpasya si Tan na puntahan ang biktima sa kanyang kuwarto na nasa ikalawang palapag.
Nang katukin ni Tan ang pinto ay walang reaksyon sa loob dahilan upang puwersahin na niya itong buksan kung saan nakita nito ang gf na nakabitin sa cabinet gamit ang nylon cord. Agad na nagsisigaw ng saklolo si Tan na nagbigay atensyon sa mga magulang ng biktima at isinugod ito sa Capitol Medical Center ngunit makalipas ang alas-12:10 ng gabi ay idineklara rin itong patay.
Samantala, isa ring 24-anyos na matansero ang natagpuang nakabigti sa loob ng kanyang bahay, sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.
Kinilala ito na si Domingo Mendoza, butcher sa Vitas slaughter house at residente ng #2425 Bonifacio St., Vitas, Tondo.
Dakong alas-9:30 ng umaga nang matuklasan ng live-in partner ng biktima, na si Joan Fernandez, ang insidente. Sinasabing ang patung-patong na problema ang dahilan kung bakit nagawa nitong magpakamatay. (Ricky Tulipat at Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending