^

Metro

2 Intsik na drug lord timbog, P24-milyong shabu nasabat

- Nina Joy Cantos at Lordeth Bonilla -

MANILA, Philippines - Dalawang pinaghihinalaang big-time Chinese drug traders ang nasakote ng mga awtoridad kasunod ng pagkaka­samsam sa P24-milyong halaga ng shabu sa isinagawang drug-bust opera­tion sa Valenzuela City, kamakalawa.

Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Supt. Roberto Rosales ang mga nasa­koteng suspect na sina Tony Go, alyas Tony Chua, 39, ng Santiago St., Brgy. Ca­numay, Valenzuela City at Lang Ong, 34, ng Timog Avenue, Quezon City.

Ayon kay Rosales ang dalawang Chinese big time drug trafficker ay pawang tubong Fukien, China .

Sinabi ni Rosales na ang dalawang suspect ay nasakote sa drug-bust ope­ra­tions na isinagawa ng pinagsanib na elemento ng NCRPO at Northern Police District dakong alas-11 ng umaga sa Brgy. Canumay ng lungsod.

Ang matagumpay na pagkakaaresto kina Go at Ong ay bunsod ng masusing surveillance operations laban sa pagka­kasangkot ng mga ito sa ilegal na aktibidades.

Hindi na nakapalag ang mga sus­pect matapos na makorner ng arresting team ng pulisya.

Nasamsam mula sa mga ito ang apat na kilo ng metamphetamine hydro­chloride o ang mas kilala bilang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P24- milyon, isang kulay abong Honda Civic (XGY-393) at isang unit ng Samsung mobile phone.

Sinabi ni Rosales na ang mga sus­pect ay isinailalim na sa inquest pro­ceedings ng Office of the City Prose­cutor ng Valenzuela City kaugnay ng pag­labag sa Section 5 (Sale, Trading, Dispensation, Delivery) ng Section 26 (attempt or conspiracy) at Section 11 (Pos­session of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165 o ang Com­­prehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

BRGY

CHIEF SUPT

DRUGS ACT

HONDA CIVIC

LANG ONG

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

NORTHERN POLICE DISTRICT

OFFICE OF THE CITY PROSE

SHY

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with