^

Metro

Ex-hospital director nagpaliwanag

-

MANILA, Philippines - Itinanggi ng sinibak na director ng Gat Andres Bo­nifacio Memorial Medical Center ang umano’y ka­pa­bayaan nito at di pagtang­gap sa isang pasyenteng manganganak na kama­kailan.

Sa ipinadalang liham ni Dra. Evangeline P. Mora­les, nilinaw nito na hindi siya dapat managot sa ’di pagtanggap sa pasyen­teng si Nestlyn Defiesta, 17, ng magtungo ito sa GAB dakong alas-11 ng gabi noong Hunyo 26, 2009 dahil nasa bahay na siya ng oras na iyon.

Batay sa mga hininging reports ni Morales sa kan­yang mga staffs, nililimi­tahan na ng GAB ang pag­tanggap nila ng mga pas­yenteng manganganak dahil sa umaapaw na bi­lang umano ng mga pas­yente dito na umabot hang­gang 64 gayung 48 lang ang kapasidad ng kanilang O.B. ward.

Maging ang Pediatric department ay naglabas na rin aniya ng kautusan para limitahan ang pag­tang­gap ng mga buntis na manganganak.

Sa kaso ni Defiesta, pinayuhan umano ni Dra. Trixie Cruz ang una na mag­tungo ito sa health center na sumusuri sa kan­yang kalagayan at dito ma­nganak dahil puno na ang mga kuwarto ng OB ward ng GAB, bukod pa sa 3cm dilated pa lamang ito at maaaring tumagal pa ng 8-10 oras ang labor nito bago tuluyang manganak, kaya wala aniyang katotohanan na tinanggihan ng GAB si Defiesta kahit na labas na ang ulo ng bata.

Sa record ng panga­nga­nak ni Defiesta sa Os­pital ng Maynila, nakita uma­nong 6cm dilated pa lang ang kondisyon ng kan­­yang pagle-labor nang ito’y dumating dito kaya imposibleng naka­labas na ang ulo ng sang­gol ng pumunta ito at tang­gihan ng GAB. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

BATAY

CRUZ

DEFIESTA

DRA

EVANGELINE P

GAT ANDRES BO

MEMORIAL MEDICAL CENTER

NESTLYN DEFIESTA

SHY

TRIXIE CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with