Taguig City umalerto sa banta ng terorismo
MANILA, Philippines - Isinailalim na ng pulisya simula kahapon sa “heightened alert status” ang Taguig City matapos makatanggap ng impormasyon ng posibleng pag-atake ng isang grupo ng mga terorista sa lungsod.
Ayon kay Taguig Police Chief, Sr. Supt. Camilo Pancratius Cascolan na ikinasa ang mahigpit na pagbabantay sa seguridad ng lungsod partikular sa Fort Bonifacio bunga na rin ng intelligence report na target ito ngayon ng mga terrorista. Kabilang sa masusing binabantayan ngayon ang mga pampublikong lugar, mga tanggapan ng pamahalaan, mga business establishments, educational at mga religious institutions.
Kinumpirma pa ni Cascolan na nahaharap ngayon ang Taguig City sa banta ng pag-atake ng grupo ng international terrorist na ang balak ay manabotahe upang lumpuhin ang ekonomiya ng bansa. Ang posibleng pag-atake ay maaaring kahalintulad umano ng five star hotel bombings sa Indonesia. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending