^

Metro

Totoy shinotgun ng tanod, kritikal

-

MANILA, Philippines - Kritikal ang isang 14-anyos na estudyante ma­ka­ra­ang pagbabarilin ng shotgun ng isang ba­rangay tanod ang kabata­ang grupo ng una na da­hilan upang masapol ang biktima, kahapon ng ma­da­ling-araw sa Las Piñas City.

Agaw-buhay na inilipat   sa Philippine General Hos­pital ang biktimang si John Michael Baliaro, bunga ng mga tama ng shrapnels ng 12-guage shotgun sa liku­rang bahagi ng katawan nito.

Agad namang na­aresto ang suspect na si Julieto Sallano, 24, ba­rangay tanod ng Gemini St., Manoyo 2, Las Piñas City.

Batay sa ulat, pasado ala-1 ng madaling-araw nang mangyari ang insi­dente sa Gatchalian Subd., Gemini St., nabanggit na lungsod.

Nabatid na ang biktima at ang mga kasamahan nitong kabataan ay una umanong nagpumilit na pumasok sa nabanggit na subdivision kung saan ay agad namang sinita ang mga ito ng suspect na hindi naman pinakinggan ng grupo ng una.

Dahil sa labis na pag­ka-irita ay napilitan umano ang suspect na barilin ang naturang mga kabataan na ikina-sapol naman sa liku­ran ng biktima.

Nang duguan ng tu­mim­buwang ang biktima ay tinangka namang tu­makas ng suspect subalit agad naman itong na­aresto ng mga rumes­pon­deng pulis. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

AGAW

BATAY

GATCHALIAN SUBD

GEMINI ST.

JOHN MICHAEL BALIARO

JULIETO SALLANO

LAS PI

PHILIPPINE GENERAL HOS

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with