^

Metro

Sekyu binoga, kritikal

-

MANILA, Philippines – Agaw-buhay na itinakbo sa pagamutan ang sekyu ng isang subdivision makaraang barilin ito sa noo ng isang armadong lalaki na unang hiningan ng biktima ng identification card (ID), kahapon ng madaling-araw sa Las Pinas City.

Kritikal pa hanggang ngayon sa pagamutan ang biktimang si Benigno Cafugawan ng FJS Security Force at nakatalaga sa BF Homes, Almanza 2, nabanggit na lungsod bunga ng tama ng .9-MM kalibre ng baril sa noo nito.

Batay sa ulat ng Las Pinas City Police, dakong alas-12:45 ng madaling-araw nang mangyari ang nasabing insidente sa harapan ng main gate ng naturang subdivision sa nabanggit na lugar.

Nabatid na unang dumating ang hindi pa nakikilalang suspect kasama ang isang babae sa harapan ng gate at dahil hindi nga residente ng naturang subdvision ay hiningan ng biktima ang una ng ID na naging dahilan naman ng kanilang mainitang pagtatalo.

Ilang segundo pa ay umalis sa lugar ang suspect at ang kasamahan nitong babae, subalit agad ding bumalik ang lalaki dala ang nabanggit na kalibre ng baril saka pinaputukan ang biktima dahilan upang duguan itong tumimbuwang sa lupa, habang ang suspect ay agad na tumakas lulan ng motorsiklong walang plaka.

Narekober naman ng pulisya sa pinangyarihan ng in­sidente ang apat na basyo ng bala ng .9MM kalibre ng baril na ginamit ng suspect laban sa biktima. (Rose Tamayo-Tesoro)


AGAW

ALMANZA

BATAY

BENIGNO CAFUGAWAN

ILANG

KRITIKAL

LAS PINAS CITY

LAS PINAS CITY POLICE

ROSE TAMAYO-TESORO

SECURITY FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with