Binata binoga, dedo

MANILA, Philippines - Butas ang ulo ng isang 18-anyos na binata nang barilin at mapatay nang malapitan ng isang salarin na nakatakip ng panyo ang mukha sa harap mismo ng kanyang kaibigan sa Barangay Batasan, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Elberto Jimenez, may-asawa ng 20 Kasiyahan St., Barangay Batasan.

Ilang testigo ang nagsabing ang suspek ay may taas na 5’4, may edad na 30-35 anyos, balingkinitan ang kata­wan, nakasuot ng sumbrero, at jacket.

Naglalakad si Jimenez kasama ng kanyang kaibigang si Joel Quillotes sa may IBP road, panulukan ng Sinagtala sa Batasan Road nang biglang sumulpot mula sa likuran nila ang suspek at agad na paputukan ang una sa ulo. (Ricky Tulipat)

Show comments