^

Metro

Manggagawa ng magsasarang pabrika ng gulong nagpapasaklolo

-

MANILA, Philippines - Ngayon pa lang ay na­nanawagan na sa pama­halaan ang mga trabaha­dor ng higanteng paga­waan ng gulong sa bansa na Good­year Tire and Rubber Company sa Las Piñas City na bigyan sila ng ka­ukulang ayuda para maka­hanap ng malilipatang tra­baho bago pa man mag­sara ang nasa­bing pabrika sa Septyembre ng taong kasalukuyan.

Una na kasing nabatid kay Dave Morin, managing director ng nasabing kom­panya, na isasara na ang manufacturing facility ng Good Year Philippines sa Las Piñas City sa Set­yem­bre bunga na rin ng pagka­lugi sa export market ng kanilang produkto.

Ayon naman sa ilang nakapanayam na traba­hante ng nasabing pabrika, hinihiling nila sa pamaha­laang Arroyo na bigyang kalu­tusan ang patuloy na pagbagsak ng ekonomiya sa bansa upang mahinto na ang pagsasara ng mga naglalakihang kompanya at pabrika dahilan upang ma­walan ng trabaho ang ma­laking bilang ng masang Pilipinong katulad nila.

Sa ngayon ay proble­mado na ang mga mawa­walan ng trabahong mga manggagawa ng Good Year dahil ilang buwan na lamang anila ay mawa­walan na sila ng matinong pagkukuhanan ng kanilang makakain at panganga­ilangan sa araw-araw.

Nabatid na halos sing­kwenta porsiyento ng kita ng Goodyear Philippines ay nakasalalay sa pag-export ng kanilang gulong at sa nakatakda nilang pag­sa­sara ay may 600 traba­hante ang mawawalan ng trabaho. (Rose Tamayo-Tesoro)

AYON

DAVE MORIN

GOOD YEAR

GOOD YEAR PHILIPPINES

GOODYEAR PHILIPPINES

LAS PI

NABATID

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

TIRE AND RUBBER COMPANY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with