^

Metro

2 obrero nagtalo, 1 patay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nauwi sa madugong saksakan ang pagtatalo ng dalawang magkasama sa trabaho habang nag-iinu­man sa Barangay Plain­view, Mandaluyong City kama­kalawa ng madaling-araw.

Lumilitaw sa Imbesti­gasyon na pinagtatalunan ng biktimang si Junnie Gumba, 37-anyos, at ng suspek na si Francis Diaz, 52 anyos, kung sino ang mas tama sa naglala­banang mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines at rebeldeng New People’s Army hanggang sa magka­pikunan at mag­saksakan ang dalawa.

Agad na nasawi si Gumba dahil sa napaka­raming tama ng saksak sa katawan.

Pinaghahanap ng pu­lisya si Diaz na naka­takas matapos ang insi­dente.

Ang suspek at biktima ay kapwa trabahador sa kum­panyang Mel Morales Grav­el and Sand sa 252 Sto. Ro­sario, Barangay Plainview.

Ayon sa imbestigasyon, masayang nag-iinuman at nagbibiruan sina Gumba at Diaz sa loob ng naturang kum­panya hanggang sa mapunta ang usapan nila sa problema ng insurgency sa bansa.

Nais ni Gumba na pul­busin ng AFP ang NPA pero ipinagtatanggol ni Diaz ang mga rebelde.

Dito uminit ang usapan hanggang sa pumasok ng kanilang barracks si Diaz at nang lumabas ay armado na ng patalim. 

Dito nito pinag­sasaksak ang biktima na nagawa pa umanong sala­gin ang mga unang saksak sa kanya hanggang sa mapuruhan ito at hindi na makapan­laban.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BARANGAY PLAIN

BARANGAY PLAINVIEW

DIAZ

DITO

FRANCIS DIAZ

GUMBA

JUNNIE GUMBA

MANDALUYONG CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with