Waste segregation sa Que­zon City sisimulan

MANILA, Philippines - Ipatutupad na rin ng Que­zon City Division of City Schools ang waste se­gregation system na unang nailagay sa Quezon City Hall grounds.

Sinabi ni Schools division Superintendent Dr. Victoria Fuentes na ang QC environmental protection and waste management department ay naki­pag-ugnayan na sa kanila para matulungan ang schools division na maila­gay sa wasto ang mga ba­sura sa mga paaran sa lun­sod. Sinabi ni EPWMD head Ms. Frederika Rentoy na pumayag ang city schools na itulad sa mga paaralan ang ganitong proyekto para na rin sa kapakanan at proteksiyon sa mga mag-aaral at kapa­ligiran. Ang naturang pro­yekto ng QC Hall ay ba­hagi ng pagtupad sa Exe­cu­tive Order 774 ng Pa­ngulong Arroyo na maibsan ang problema sa basura sa pamamagitan ng waste se­gregation.

Una rito, ini­ulat ni Rentoy kay Quezon City Mayor Feliciano “SB” Belmonte Jr. na ang compliance rate ng QC hall sa waste reduction ay umabot na sa 14 percent at 38 per­cent sa buong lunsod. (Angie dela Cruz)

Show comments