^

Metro

Ika-4 na palaruan binuksan sa Maynila

-

MANILA, Philippines - Binuksan na kahapon sa publiko ang ikaapat na palaruan na itinayo ni Manila Mayor Alfredo Lim na ma­tatagpuan sa Quirino Ave­nue, Malate, Maynila.

Sa pagpapasinaya ka­ha­pon sa Plaza Azul, ka­sama ng alkalde sina City Engineer Armando Andres, Parks and Public Recreations Bureau Chief Engineer Deogracias Manimbo, Iglesia ni Cristo Head Deacon Rodolfo Orosco, Rev. Fr. Alexander Thomas at hepe ng Barangay Bureau na si Atty. Annalyn Buan.

Inaasahang mapapaki­na­b­angan ng mahihirap na kabataan ng Pandacan ang palaruan na may anim na slides o padulasan, apat na swing, dalawang seesaw at maze.

Mayroon ding shade areas­ para sa mga mata­tanda na nais mag-relax sa parke.

Plano rin ni Lim na lag­yan ito ng Gateball, isang golf-like game para sa mga senior citizen.

Una nang itinayo ang ibang playground sa Ba­seco, Plaza Morga at Vitas sa Tondo nang manung­ku­lan muli si Lim noong 2007. (Ludy Bermudo)

ALEXANDER THOMAS

ANNALYN BUAN

BARANGAY BUREAU

CITY ENGINEER ARMANDO ANDRES

CRISTO HEAD DEACON RODOLFO OROSCO

LUDY BERMUDO

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

PARKS AND PUBLIC RECREATIONS BUREAU CHIEF ENGINEER DEOGRACIAS MANIMBO

PLAZA AZUL

PLAZA MORGA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with