Munti alerto sa AH1N1

MANILA, Philippines - Nakaalerto ngayon ang buong pamunuan ng Muntinlupa City Health Department at maging ang ilang residente nito at naalarma na rin matapos lumabas ang report hinggil sa pagkamatay ng isang public school teacher na positibo sa influenza A(H1N1) virus.   Inatasan ni Muntinlupa City Mayor Aldrin San Pedro ang lahat ng local health personnel na kanilang manmanan ang mga taong nakasalamuha ng naturang guro bago ito namatay habang ginagamot sa Muntinlupa City Hospital. (Lordeth Bonilla)

Show comments