200 spy camera ikakalat sa Metro Manila vs terorista

MANILA, Philippines - Inanunsiyo ni Interior Secretary Ronnie Puno na maglalagay ng mahigit sa 200 close-circuit television cameras sa mga istratehikong lugar sa Metro Manila tulad ng shopping malls, sinehan at terminals bilang bahagi ng pagpapatindi ng kampanya ng pamahalaan upang mapa­ngalagaan ang publiko mula sa mga tero­ristang gawain ng mga elementong kriminal tulad ng Abu Sayaff.

 Sinabi ni Puno na maglalagay din ang Philippine National Police ng mga dagdag na checkpoints, canine sniffers at pala­lakasin ang kanilang pangangalap ng mga intelligence activities upang ma­iwasan ang mga insidente ng pambo­bomba.

Ayon kay Puno, ang matataas na opis­yales ng PNP ay makikipag-usap sa mga security officers ng mga hotel, mall at iba pang commercial establishments upang palagi­ang mag-ugnayan at tuloy mapanga­lagaan ang kapakanan ng publiko. (Angie dela Cruz)

Show comments