^

Metro

Pagkatapos ni Mancao, Dumlao pabalik na rin

-

MANILA, Philippines – Makababalik na sa Pili­pinas bago pa matapos ang buwan ng Hulyo, si dating police Senior Supt. Glenn Dumlao, na nasa­sang­kot sa kasong pag­patay kay dating publicist Salvador “Bubby” Dacer at driver na si Emmanuel Cor­bito noong 2000.

Nabatid mula sa insider ng NBI na sa darating na Hulyo 20 ang paghahain ng deposition ni Dumlao sa US court na dumidinig sa extradition case ng kapwa akusadong si dating police Sr. Supt. Michael Ray Aquino at ilang araw la­mang ay maari nang maka­­uwi si Dumlao.

Sinabi pa ng NBI na may intensiyon din si Dum­lao na tumestigo at upang mag-corroborate sa mga naunang testimonya ng state witness na si dating Sr. Supt. Cesar Mancao laban sa mga may kinala­man sa Dacer-Corbito double murder case.

Una nang inatasan ng US court sina Mancao at Dumlao na maghain ng deposition bago tuluyang ma-extradite sila, kahit na hindi na sila lumutang sa pagdinig ng extradition ni Aquino, na nakabinbin pa hanggang sa kasalukuyan.

Sa oras na handa na ang extradition ni Dumlao, susunduin din siya ng NBI team mula sa Los Angeles, California. Una nang na­bigo ang NBI team nang sunduin noon si Dumlao, sa kanilang pag-uwi mula Los Angeles, noong Marso 23, 2009 dahil sa kautusan ni US district court (New York) Judge Thomas Platt kaugnay sa extradition. (Ludy Bermudo)


CESAR MANCAO

DUMLAO

EMMANUEL COR

GLENN DUMLAO

HULYO

JUDGE THOMAS PLATT

LOS ANGELES

LUDY BERMUDO

MICHAEL RAY AQUINO

SHY

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with