^

Metro

Call center agent nangholdap ng taxi driver, bugbog-sarado

-

MANILA, Philippines – Muntik nang mapatay ng taumbayan ang isang call center agent na nag-sideline bilang holdaper makaraang biktimahin nito ang isang taxi driver, kama­kalawa ng gabi sa San Juan City.

Isinasailalim ngayon sa obserbasyon sa San Juan City Medical Center ang suspek na nakilala sa kanyang ID na si Anthony Abear, 32, ng Homer St., Vista Verde Village, Cainta, Rizal. 

Sinampahan ito ng kasong robbery hold-up ng biktimang si Orlando de Belen, 30, Maronquillo St., San Rafael, Bulacan.

Sa ulat ng San Juan police, sumakay ang sus­pek sa taxi ni De Belen dakong alas-11 ng gabi sa Karangalan Village sa Cainta, Rizal at nang ma­ka­rating sa may F. Manalo street, San Juan ay nag­deklara ito ng holdap ma­tapos na tutukan ang bik­tima ng baril. Tinangay ng suspek ang P2,000 kinita ng biktima saka nangtang­kang tumakas.

Hindi naman nawalan ng loob ang biktima nang ha­bulin niya sakay ng kanyang taxi ang suspek hanggang sa sagiin niya ito sanhi upang tumilapon ang dalang baril. Dito na siya tinulungan ng mga galit na taumbayan na walang humpay na kumuyog sa suspek at natigil lamang nang rumesponde na ang mga pulis. (Danilo Garcia)


vuukle comment

ANTHONY ABEAR

CAINTA

DANILO GARCIA

DE BELEN

HOMER ST.

KARANGALAN VILLAGE

MARONQUILLO ST.

RIZAL

SAN JUAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with