^

Metro

Pumatay ng pulis, itinumba rin

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines – Isang pulis ang nasawi matapos itong barilin ng isang pinaniniwalaang hired killer.

Matapos namang ma­isa­ka­tuparan ng suspect ang misyon, itinumba rin ito ng kanyang kasamahan kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Binawian ng buhay ha­bang nilalapatan ng lunas sa Manila Central Univer­sity Hospital ang bik­timang si SPO1 Julio Lobrin, 35, nakatalaga sa Caloocan City Anti-Illegal Drugs sanhi ng tinamong dala­wang tama ng bala sa leeg buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Dead-on-the-spot na­man ang suspek na nakila­lang si Wilson Torres, 38, taga Baliuag, Bulacan, ha­bang nakatakas naman ang hindi pa nakikilalang mga kasamahan nito sakay ng pulang Nissan X-Trail ( XRJ-981).

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insi­dente dakong ala-1 ng madaling-araw mismo sa tapat ng bahay ng bikti­mang si SP01 Lobrin sa nabanggit na lugar.

Nabatid, na kabababa lang ng biktima sa kanyang kotse nang sumulpot si Torres at pagbabarilin nito ang nabanggit na pulis.

Matapos ang insidente ay bumaba naman ng kotse ang isa sa mga ka­sama ni Torres at ito naman ang pinagbabaril at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas sakay ng na­sabing sasakyan.

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis hinggil sa na­sabing insidente kung saan lumalabas na naka-rehistro sa isang abugado sa Pampanga ang Nissan X-Trail.

Inaalam pa rin ng Calo­ocan City Police kung may kinalaman sa trabaho ng bik­tima ang ginawang pa­ma­maslang sa kanya dahil ito ay isang drug buster.

May hinala pa rin na kaya pinatay si Torres mismo ng mga kasama nito upang hinde na ito kumanta sa ginawa nilang krimen kung sakaling madakip ito ng mga pulis.


vuukle comment

BALIUAG

CALOOCAN CITY

CITY POLICE

JULIO LOBRIN

MANILA CENTRAL UNIVER

MATAPOS

NISSAN X-TRAIL

SHY

WILSON TORRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with