^

Metro

45-anyos niratrat ng pinsan, kritikal

-

MANILA, Philippines - Kritikal ngayon ang kalaga­yan ng isang 45-anyos na lalaki matapos na pagbabarilin ng sariling pinsan dahil sa labis na selos bunga ng pagiging ma­lapit ng mga anak ng huli sa una sa lungsod ng Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Mga tama ng bala sa ka­liwang kamay, dibdib, leeg at ulo, ang naging sugat ng bikti­mang si Jenny Lopez, alyas Bong, at residente sa Mayon St., corner España kung kaya patuloy na inoobserbahan ito sa Jose Reyes Memorial Medical Center sa Manila.

Pinaghahanap naman ng awtoridad ang salarin na si Rizalino Mameng, alyas Ninoc, ng P. Florentino St., corner Iba, Quezon City na mabilis na tu­ma­kas makaraan ang insidente.

Kuwento ng mismong mga anak ng suspek, madalas daw na namamaril ang kanilang ama, lalo na kung nagagalit ito kasabay ng pag-amin na binaril nga nito ang kanilang tiyuhin.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa mismong bahay ng biktima habang ito ay kumakain ng hapunan pasado alas- 8 ng gabi. Diumano, bigla na lamang sumulpot sa loob ang suspek at kinompronta ang biktima sanhi upang mauwi ito sa mainitang pagtatalo.

“Kasi nagseselos si Ninoc (suspek) kay Bong (biktima) dahil mas napapalapit daw ang loob ng mga anak nito kay Bong, at yun ang alam kong pi­nag-awayan nila,” sabi ng ka­anak ng suspek.

Nasa kainitan ng pagtatalo ang dalawa nang biglang mag­bunot ng baril ang suspek at pinagbabaril ang biktima, bago tuluyang tumakas. (Ricky Tulipat)

AYON

FLORENTINO ST.

JENNY LOPEZ

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MAYON ST.

NINOC

QUEZON CITY

RICKY TULIPAT

RIZALINO MAMENG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with