^

Metro

Ex-sexy actor arestado sa pananaksak

-

MANILA, Philippines – Bumagsak sa kulungan ang isang dating sexy actor makaraang saksakin ang live-in partner ng kanyang kapatid na babae habang kumakain ito matapos umanong magparinig, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Nakaditine ngayon sa Pasig police detention cell at nahaharap sa kasong frustrated murder ang suspek na si Leo Rabago, 45 at naninirahan sa Greenpark Village, Brgy. Manggahan, ng naturang lungsod.

Isinugod naman sa Amang Rodriguez Medical Center sanhi ng tama ng saksak sa likod ang biktimang si Felipe Malonzo, 36 at residente rin ng naturang lugar.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang pananaksak dakong alas-8 ng gabi sa karinderyang pinata­takbo ng biktima at ng ka-live-in nito na si Gigi Rabago sa loob ng Greenpark Village. Kumakain ang dalawa at ang kanilang anak nang bigla na lamang siyang saksakin sa likod ni Rabago kung saan nabali pa ang kutsilyong ginamit nito.

Agad namang nakahingi ng tulong si Gigi kung saan nadakip ang kanyang kuya na si Leo Rabago ng mga awtoridad.

Ayon kay Gigi, posible umanong nagselos ang kanyang kuya sa kanila dahil sa pagbili sa kanila ng SUV (sports utility van) ng isa pa niyang kapatid na nasa Guam at ginagamit naman nila na pam­pasada.

Sinabi naman ni Rabago na nagawa niyang saksakin ang bayaw na hilaw dahil sa umano’y pagsisiga-sigaan nito sa bahay ng kanyang mga magulang kahit sampid lamang ito sa kanilang pamilya. (Danilo Garcia)


vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

AYON

DANILO GARCIA

FELIPE MALONZO

GIGI

GIGI RABAGO

GREENPARK VILLAGE

LEO RABAGO

PASIG CITY

RABAGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with