^

Metro

Driver tinodas habang natutulog

-

MANILA, Philippines - Isang tricycle driver ang patay matapos na pasukin sa loob ng kan­yang bahay ng tatlong armadong kala­lakihan habang natutulog at pag­babarilin sa lungsod Que­zon, iniulat kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Mchmad M. Sultan, 25,   tubong Lanao del Norte at residente sa AFP Road, cor. Bataan Road, Garcia Heights, Brgy. Holy Spirit, sa lungsod.

Ayon sa pulisya, pa­tuloy ang imbestigasyon na kanilang ginagawa upang matukoy ang mga salarin na mabilis na tuma­kas makaraan ang pama­maril.

Sa imbestigasyon, nang­yari ang insidente sa loob mismo ng bahay ng biktima pasado alas-3:30 ng madaling-araw.

Mahimbing na natutu­log ang biktima nang big­lang pasukin ito ng mga suspek na armado ng hindi mabatid na kalibre ng baril at paulanan ng bala sa ka­tawan. Matapos ang pa­ma­ma­ril ay mabilis ding nagsi­pag­takas ang mga suspek kung saan iniwan na lamang ng mga itong walang buhay ang biktima.

Patuloy namang ina­alam ng awtoridad ang motibo ng pamamaril sa biktima. (Ricky Tulipat)


vuukle comment

AYON

BATAAN ROAD

BRGY

GARCIA HEIGHTS

HOLY SPIRIT

ISANG

KINILALA

MCHMAD M

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with