^

Metro

2 maid pinainom ng ihi ng amo

- Ni Grace Dela Cruz -

MANILA, Philippines - Mistulang hayop na itinuring ng isang 35-an­yos na ginang ang dala­wang menor-de-edad nitong kasambahay ma­tapos ang walang pasu­baling pambubugbog ng una sa mga huli, sa Sam­paloc, Maynila.

Ang mga biktimang sina Jenalyn Ca­lambro at Liza Mirante, kapwa 17-anyos at tubong Iloilo City ay naghain ng   rekla­mo sa Manila Police District-Station 4-Women and Children’s Protection Desk, laban sa among si Joana Velez, 35, ng Vi­cente Cruz St., Sampa­loc, dahil sa umano’y ma­tinding pagmamal­trato nito sa kanila simula noong sila ay manilbihan dito noong Hulyo 8, 2008.

Anila, madalas silang pagbuhatan ng kamay ni Velez tulad ng pananam­pal, pagkurot sa buo nilang katawan, kung saan pati ang maselang bahagi ng dibdib nila ay nais nitong punitin. Pina­inom din umano sila ni Velez ng dalawang ba­song ihi nang matiyem­pu­han nitong may la­mang ihi ang inidoro.

Sinusuntok din uma­no sila ng naturang amo sa sikmura sa oras na hindi na nila maubos ang mga tira-tirang pagkain at ka­pag sila ay nasuka na ay ipapakain din sa kanila ito.

Noong March, 2009 ay binuhusan umano ng suspek si Calambro ng ma­init na tubig sa kan­yang likuran na naging sanhi para malapnos nang husto ang balat nito. Dahil din sa sobrang bugbog na ginagawa ni Velez sa mga biktima ay na­apektuhan ang daloy ng dugo ng mga ito kaya limang buwan na umano silang hindi dinaratnan ng buwanang dalaw.

Sa loob ng isang ta­ong paninilbihan ay P4,000 lang umano ang ibinigay na suweldo kay Calambro at P6,000 na­man kay Mirante. Anila, pinilit nilang makatakas kay Velez sa kabila ng pana­nakot nito na pati ang ka­ nilang pamilya sa probin­siya ay gagantihan nito sa oras na sila ay tu­makas. Nahaharap sa ka­song paglabag sa Child Abuse Law at Mal­treat­ment ang naturang sus­pek.


ANILA

CALAMBRO

CHILD ABUSE LAW

CRUZ ST.

ILOILO CITY

JENALYN CA

JOANA VELEZ

LIZA MIRANTE

SHY

VELEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with