^

Metro

Mister nilayasan ni misis, nagbigti

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang 35-an­yos na janitor nang mag­bigti  matapos layasan ng misis bunga ng pag-aaway sa Tondo, Maynila kama­kalawa ng hapon.

Patay na nang madis­kubre ang biktimang si Jo­nathan Alao, ng Balim­bing at Alinian sts., Tondo da­kong alas-2:30 ng hapon sa loob ng kanilang bahay.

Sa imbestigasyon, ma­tinding away ang namagi­tan sa biktima at misis nitong si Elmari nang mag­selos ang una. Nauwi sa pag­lalayas ng misis at iniwan ang mister.

Naging problemado umano ang mister na nakitang madalas tulala hanggang sa madiskubre na lamang ang pagbibigti.

Huli na nang balikan ng misis ang mister na isa nang bangkay.

Samantala, isang en­gineer ang natagpuang patay matapos itong mag­bigti kahapon ng tanghali sa lungsod ng Navotas.

Kinilala ang nasawi na si Rodolfo Domingo, 51, ng E. Rodriguez St., Brgy. Tanza ng lungsod na ito. Isang sinturon ang ginamit nito sa pagbibigti.

Patuloy pa rin ang isi­nasagawang imbesti­gas­yon ukol dito. (Ludy Ber­mudo at Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALAO

ALINIAN

BALIM

BRGY

LORDETH BONILLA

LUDY BER

PATAY

RODOLFO DOMINGO

RODRIGUEZ ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with