^

Metro

Opisyal ng AMA kinanselahan ng permit to carry

-

MANILA, Philippines - Ipinakansela na ka­hapon ni Philippine Na­tional Police (PNP) Chief Director General Jesus Verzosa ang Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) ng Vice President ng AMA Com­puter University ma­tapos itong manutok ng baril at manakal ng isang gasoline boy sa Quezon City kamakailan.

Ayon kay PNP Direc­to­rate for Police Commu­nity Relations Chief P/Director German Doria ang kinan­selahan ng PTCFOR ay si Charles Sullivan, isa sa mga Vice President ng AMA Computer University.

Nabatid na si Sullivan ay nakunan ng TV footage na sinasakal ang isang gasoline boy na si Alfredo Gallaza matapos itong ma­irita sa mabagal umano nitong pagkilos habang nagpapa-gasolina   sa sa­ngay ng Petron sa panulu­kan ng Timog Ave. at Tomas Morato Ave., Brgy. Laging Handa, Quezon City noong naka­lipas na Linggo.

Nakasaad sa ulat na galit na inutusan ni Sullivan ang gasoline boy na si Gallaza na bilisan ang pagkarga ng gasolina kung saan ay nairita ito sa paghihintay.

Nabatid na sinabi ni Gallaza na kanila pang beniberipika ang card ni Sullivan, nang biglang bumaba sa sasakyan ang huli at tinutukan ang gaso­line boy ng cal. 45 na dala nitong baril at saka sakalin.

“Based on our assess­ment, he (Sullivan) is not fit to carry a gun be­cause he has a problem on his temper,” ani Doria. (Joy Cantos)

ALFREDO GALLAZA

CARRY FIREARMS OUTSIDE RESIDENCE

CHARLES SULLIVAN

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

COMPUTER UNIVERSITY

DIRECTOR GERMAN DORIA

QUEZON CITY

SHY

SULLIVAN

VICE PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with