Tigil-pasada sa Lunes, ikinasa

MANILA, Philippines - Pormal nang inanun­siyo ng militanteng gru­pong Pinagkaisang Sa­ma­han ng mga Tsuper at Ope­ra­tors Nationwide (PISTON) ang paglu­lunsad nila ng isang Pambansang Koordi­ nas­­yong protesta at mala­wa­­kang tigil-pa­sada sa Metro Manila at ilang rehiyon sa bansa sa Lunes Hulyo 13.

Sa isang press con­ference ng Piston sa Que­zon City, sinabi ni George San Mateo, sec­retary ge­neral ng Piston na layunin ng protesta na kondenahin ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produk­ tong pet­rolyo, ma­taas na multa at bayarin sa mga huli ng mga driver at kotong ng mga en­forcers.

Sinabi ni San Mateo na ka­sama sa malawa­kang tigil-pasada ang mga miyembro ng Task Force Hulyo 10.

Anya, kasama sa pro­­testa ang paghiling sa mga kinauukulan na isailalim sa malawakang audit ng Com­misison on Audit ang mga dam­buhalang kom­panya ng langis. (Angie dela Cruz)

Show comments