Tigil-pasada sa Lunes, ikinasa
MANILA, Philippines - Pormal nang inanunsiyo ng militanteng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang paglulunsad nila ng isang Pambansang Koordi nasyong protesta at malawakang tigil-pasada sa Metro Manila at ilang rehiyon sa bansa sa Lunes Hulyo 13.
Sa isang press conference ng Piston sa Quezon City, sinabi ni George San Mateo, secretary general ng Piston na layunin ng protesta na kondenahin ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produk tong petrolyo, mataas na multa at bayarin sa mga huli ng mga driver at kotong ng mga enforcers.
Sinabi ni San Mateo na kasama sa malawakang tigil-pasada ang mga miyembro ng Task Force Hulyo 10.
Anya, kasama sa protesta ang paghiling sa mga kinauukulan na isailalim sa malawakang audit ng Commisison on Audit ang mga dambuhalang kompanya ng langis. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending