^

Metro

Kelot nagbaril sa sentido

-

MANILA, Philippines – Butas ang kaliwang sentido ng isang company driver ma­tapos na magbaril sa sarili sa hindi pa mabatid na kada­hila­nan sa loob ng banyo ng pina­pasu­kang kompanya sa lung­sod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si Al­fredo Lopocilio, 40, driver ng Sinag­tala St., Batasan Hills, Quezon City. Si Lopocilio ay na­matay noon din sa lugar ng pi­nang­yarihan dahil sa isang tama ng bala ng 9mm sa ka­liwang sentido.

Sa ulat ng pulisya, natag­puan na lamang ng mga secu­rity guard ang biktima na du­guan sa loob ng banyo ng mga babae ng “Name It, Print It” cor­poration na matatagpuan sa #140 Sinagtala St., Ibaba Ba­tasan Hills sa lungsod, ganap na alas-5 ng hapon.

Bago nito, kararating la­mang umano ni SPO1 Joeven Campo, bodyguard ng may-ari ng kompanya nang makarinig ito ng malakas na putok ng baril mula sa CR ng babae.

Agad na pinuntahan ni Campo kasama ang ilang secu­rity guard ang CR at dahil naka­kandado ito ay pinuwersa nilang buksan ito kung saan tumam­bad ang duguang katawan ng biktima.

Narekober sa lugar ang isang 9mm na baril at 20 empty spent shell na pinaniniwalaang ginamit ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.

Masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya. (Ricky Tulipat)


BATASAN HILLS

IBABA BA

JOEVEN CAMPO

NAME IT

PRINT IT

QUEZON CITY

RICKY TULIPAT

SHY

SI LOPOCILIO

SINAGTALA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with