^

Metro

Double life sa misis: Habambuhay sa shabu tiangge operator

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines – Habambuhay na pagka­kulong ang ipinataw ng Pasig City Regional Trial Court sa itinuturong operator ng kontro­bersyal na “shabu tiangge” na sinalakay ng pulisya noong Pebrero 2006 sa naturang lungsod.

Sa 32-pahinang desisyon ni RTC branch 154 Judge Abraham Borreta, pinatawan nito ng habambuhay na pag­ka­kulong si Amin Imam Bo­ratong dahil sa pagiging main­tainer ng shabu den na mata­tagpuan sa Mapayapa Com­pound sa Brgy. Sto. Tomas, Pasig City.

Hinatulan naman ng da­lawang bilang na habam­buhay na pagkakulong ang misis ni Boratong na si Sheryl Molera dahil sa mga kasong “maintaining of a drug den at pos­session of illegal drugs”. Pinagbabayad din ng korte ng P20 milyong danyos si Molera habang P10 milyon si Bo­ratong.

Matatandaan na sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police-Anti-Illegal Drugs Spe­cial Operations Task Force (AIDSOTF) sa ilalim ni ret. General Ricardo de Leon ang naturang shabu tiangge noong Pebrero 10, 2006. Na­diskubre rito ang mala-tiang­geng tindahan na lantarang nagbebenta ng pake-pake­teng shabu habang pinapa­arkila rin ang mga bahay upang dito gamitin ang iligal na droga.

Umaabot sa 300 katao, ka­bilang na si Molera, ang na­aresto sa naturang operasyon ngunit nagawa nitong maka­pagpiyansa. Nadakip naman sina Boratong at Molera noong Nobyembre 21, 2006 sa Ma­kati City habang nagta­tago.

Ayon sa pangunahing saksi na si Samer Palao, dating kanang kamay ni Bo­ratong, inumpisahan nito ang operasyon ng shabu tiangge noong 2003 nang lumago ang puhunan buhat sa pagiging “small-time na drug pusher. Bumibili umano ito ng shabu sa halagang P800,000 kada kilo sa mga sindikatong Taiwanese at Tsino na kanya namang ikina­kalat sa mga tiangge sa Ma­payapa Com­pound sa F. Soriano street, Brgy. Sto. Tomas, Pasig City.

Sinabi pa nito na umaabot sa 10 kilo ng shabu ang na­ibebenta ng may 50 siste­mador sa naturang compound kada linggo.

Inakusahan pa nito ang lokal na pulisya ng Pasig City na nagbibigay ng proteksyon sa kanila at nag­papatrulya pa kung magkaka­roon ng bag­sakan ng iligal na droga upang matiyak na hindi ito maaantala.


AMIN IMAM BO

BORATONG

BRGY

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS SPE

GENERAL RICARDO

JUDGE ABRAHAM BORRETA

MOLERA

PASIG CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with