^

Metro

Binata lasog sa bus

-

MANILA, Philippines - Patay agad ang isang 18-anyos na vendor matapos na ma­bundol ng isang rumaragasang pampasaherong bus habang pa­patawid sa kahabaan ng Quirino Highway sa lungsod Quezon kahapon ng umaga. Kinilala ang biktima na si Christian Portades, binata at residente sa Sapang Palay, San Jose del Monte, Bulacan.

Hawak naman ng awtoridad ang nakabanggang driver ng bus na si Ferdinand Fernandez, 35, ng Santrans Bus Corp. sa Lagro Subd., Novaliches, Quezon City. Bukod sa pagkakabundol sa bik­tima, nadamay din sa insidente ang isang passenger jeepney (TVZ-600) ng may-aring si Angelito Estrella, 33, ng Old Tenants Area A, Camarin, Caloocan City na nahagip ng sasakyan ng suspek.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Ferdinand Paglinawan, ng traffic sector 3, nangyari ang insidente sa may Quirino Highway corner Regalado Avenue, Brgy., Lagro Subdivision Novaliches sa lungsod ganap na alas- 7 ng umaga. Sinasabing binabaybay ng bus (NYS-265) na minamaneho ni Fernandez ang naturang highway patungo sa Belfast Avenue nang pagsapit sa naturang lugar ay biglang mabundol nito ang tumatawid na biktima. Sa lakas ng pagkaka­bangga nagmistulang ordinaryong bagay na tumilapon ang katawan ng biktima sa kalsada dahilan upang magtamo ito ng matinding tama sa katawan at ulo na ikinamatay nito.

Ayon kay Paglinawan, napahinto lamang ang bus nang muli itong sumalpok sa nasabing jeepney. Kasong reckless imprudence resulting in homicide at damage to property ang kinakaharap ng suspek. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ANGELITO ESTRELLA

AYON

BELFAST AVENUE

CALOOCAN CITY

CHRISTIAN PORTADES

FERDINAND FERNANDEZ

FERDINAND PAGLINAWAN

LAGRO SUBD

LAGRO SUBDIVISION NOVALICHES

QUIRINO HIGHWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with