^

Metro

Rugby hindi na mabibili over the counter - PDEA

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dahil madaling makuha at nagiging sanhi para magamit bilang droga partikular ng mga kabataan, nagbabala ang Phi­lip­pine Drug Enforce­ment Agency (PDEA) na ang rugby o anumang kauri nito ay hindi na maaring makuha o mabili over the counter.

Ayon kay PDEA director general Senior Undersecre­tary Dionisio R. Santiago, aksyon nila ito bunga ng re­gulasyon ibinababa kamaka­ilan ng Dangerous Drug Board (DDB) na maaaring ipagbawal ang pag­bebenta ng rugby at iba pang produkto ng toluene based contact cement kung ito ay hindi na­haluan ng 5 por­siyento ng mustard oil.

Itinuring ng DDB na ang naturang mga kemikal bilang dangerous drugs sa pa­ma­ma­­gitan ng nasabing por­siyento na nagdedeter­mina kung ang varian ng TBCC ay masamang droga o hindi.

Iginiit ng PDEA bilang regulatory agency na kaila­ngan nilang imonitor ang mga iligal drugs at kailangan din nilang iimplement ang natu­rang regu­lasyon kahit pa may kahigpitan ito para lamang ma­­kontrol ang paglaganap ng malayang pag­bebenta nito sa mga tindahan.

Sabi pa ni Santiago sa pa­mamagitan nito matutugunan nila ang problema sa pagla­ga­nap ng solvent o rugby sa mga kal­sada partikular sa mga kaba­taan. Dahil anya ang pag­lalagay ng dagdag na mustard oil sa laman nito ay nagdu­dulot ng masamang amoy na nagi­ging sanhi upang hindi na ito singhutin pa.

Hinikayat din ng PDEA ang mga importers, exporters, manufacturers, distributors, retailers, end-users at hand­lers ng produktong TBCC na mag­sumite ng karampa­tang li­sensya sa kanila upang ma­kuha ang tamang pagpa­pa­tupad nito.

vuukle comment

AYON

DAHIL

DIONISIO R

DRUG BOARD

DRUG ENFORCE

HINIKAYAT

IGINIIT

SENIOR UNDERSECRE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with