Binatilyo nagbigti
MANILA, Philippines - Dahil naturete sa sermon ng kanyang magulang hinggil sa paghinto nito sa pag-aaral, isang binatilyo ang nagpatiwakal sa Caloocan City kahapon ng umaga.
Hindi na umabot ng buhay sa Nadados Hospital si Angelo Saldo, 17, ng Area B, Camarin ng lungsod na ito.
Ayon sa report ng pulisya, alas-6 ng umaga nang makitang nakabigti ng nylon cord ang biktima sa loob ng kanilang bahay.
Nabatid na dinamdam ng biktima ang laging sermon na inaabot sa mga magulang dahil hindi na nito tinapos ang high school. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending














