^

Metro

Negosyante biktima ng Dugo-Dugo Gang

-

MANILA, Philippines - Aabot sa P2 milyong halaga ng alahas ang nakuha sa isang negos­yanteng ginang matapos na ma­biktima ang katulong nito ng kilabot na Dugo-Dugo Gang sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ang biktima na dumulog sa Criminal Investigation and Detective Unit ng Quezon City Police ay kinilalang si Abigail Mustara-Tuazon, 34, may-asawa ng #45-A Don Ernesto St., Don Enrique Heights, Brgy. Holy Spirit sa naturang lunsod.

Inireklamo ni Tuazon ang pagka­wala ng kanyang mamahaling mga alahas na may kabuuang halagang P2,610,000 na nakalagay sa safety vault na pinaniniwalaang tinangay sa kanyang mga katulong na sina Romelyn Toreno, 20, dalaga; at Marita Vergara-Cuibal, 33.

Bandang alas-2:30 kamakalawa ng hapon nang mawala ang safety vault ng biktima sa kanyang kabinet na nasa master’s bedroom kung saan hinihinala niyang kinuha ng kanyang mga katulong.

Ganap na alas-7:30 ng gabi, tu­mawag ang mga katulong ng biktima sa kanya at nagsabing sila ay nasa Meycauayan Police station at nagre­reklamo.

Dahil dito, agad na humingi ng tulong ang ginang sa nasabing him­pilan at tinungo ang nasabing lugar kung saan naabutan nila ang mga katulong.

Dito ay ipinagtapat ng mga katu­long na nakatanggap sila ng tawag na nag-uutos sa kanila na dalhin ang safety vault sa naturang lugar dahil naaksidente umano ang ginang at kailangan ang salapi para pambayad.

Nagduda naman ang ginang sa alegasyon ng mga katulong kaya ipinaaresto niya ang mga ito.

Inihahanda na ang kasong qualified theft laban sa mga naturang ka­tulong. (Ricky Tulipat)

A DON ERNESTO ST.

ABIGAIL MUSTARA-TUAZON

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTIVE UNIT

DON ENRIQUE HEIGHTS

DUGO-DUGO GANG

HOLY SPIRIT

MARITA VERGARA-CUIBAL

MEYCAUAYAN POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with