^

Metro

Suspek sa Ruby Rose slay may death threat

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Isang negosyante na sangkot sa pagpaslang kay Ruby Rose Barra­meda ang tumatang­gap umano ng mga pag­ba­banta sa kanyang buhay sa Muntinlupa City.

Ito ang inihayag ni dating Marine Sgt. Rudy Tabucol na nagtatra­baho sa suspek na si Lope Jimenez, may-ari ng BSJ Fishing Corporation.

Sinabi ni Tabucol sa isang panayam na may mga kotseng umaaligid sa tahanan ni Jimenez sa 113 Vounganvilla St., Ayala Alabang Village, Muntinlupa City mula nang isangkot ito ng testigong si Manuel Mon­teno sa pagpaslang kay Barrameda na ka­patid ng aktres at dating beauty queen na si Rochelle.

Sinabi ni Tabucol sa pulisya na walang sti­cker ng Ayala-Ala­bang Village ang sasakyang laging pumaparada sa tapat ng bahay ng mga Jimenez sa nasabing village.

Wika pa ni Tabucol, ang palaging pumapa­rada sa tapat ng bahay ng kanyang amo ay isang deep blue Nissan Sentra na may plakang ZJF-126 at isang puting Ford Expedition na may plakang MTM-222 at pulang motorsiklo na may improvised plate number na IZ-321.

 “Mula nang isangkot ni Montero si boss (Ji­menez) sa Ruby Rose case, may pumapara­dang kotse sa harap ng bahay niya bago pumu­tok ang araw. Baligtad nga ang pangyayari, si boss ang itinuturong suspek ni Montero pero siya ang maraming death threats,” wika pa ni Tabucol.

Sinabi ni Tabucol na handa silang ipagtang­gol ang kanilang amo mula sa anumang ma­samang balak ng hini­hinalang grupo ni Mon­tero o kalaban sa ne­gosyo ng mga Jimenez.

Ang bangkay ni Bar­rameda ay natag­puang nakasemento sa loob ng isang drum sa kara­gatan ng Navotas noong nakaraang buwan.

Si Montero na dati umanong empleyado sa BSJ ay lumantad at itinuro ang kinaro­ro­onan ng bangkay ni Barrameda bago isi­nangkot sa krimen ang ilang kamag-anak ng asawa ng biktima.

vuukle comment

AYALA ALABANG VILLAGE

BARRAMEDA

FISHING CORPORATION

FORD EXPEDITION

JIMENEZ

LOPE JIMENEZ

MUNTINLUPA CITY

SHY

SINABI

TABUCOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with