Seguridad sa SONA, QCPD handa na

MANILA, Philippines - Kasabay ng masusing imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD) hinggil sa sunud-sunod na bomb scare sa tanggapan ng Ombudsman at De­part­­ment of Agriculture ay tiniyak din ng pamu­nuan ang se­gu­ridad sa isasaga­wang State of the Nation Address ( SONA) ni Pa­ngulong Gloria Arroyo sa Hulyo 27.

Ito ang inihayag ni QCPD director, Chief Supt. Elmo San Diego sa isang press conference ka­hapon sa Camp Kari­ngal kasama ang mga security officers sa mga ahensiya ng pa­mahalaan at mga establisi­mento sa lungsod. 

Kasabay nito, pinaala­la­­ha­nan ni San Diego ang mga security officers na ma­ging alerto sa mga es­tranghero na aali-aligid sa binaban­tayang ahensiya ng pa­ma­­halaan pati na ang mga pribadong es­tabli­si­miyento sa lunsod.

Bukod dito, tinuruan din ni San Diego ang mga secu­rity officers hinggil sa posib­leng pag-atake ng mga masasamang-loob, pag­supil sa modus ope­randi ng sindikato, pag­laban at pagsagot sa banta sa pama­magitan ng tawag sa telepono pati na ang pag­responde sa bomb threat.

Sinabi ni San Diego, han­dang-handa na ang mga tauhan ng QCPD sa SONA pati na ang re-routing ng trapiko ay naka­kasa na at ang ibang mga sorpresa pagba­bantay sa seguridad sa Batasan complex.

Kasabay naman nito, pinaghahandaan na ng mga militanteng grupo ang isasa­gawa nilang malaking protesta ka­ sabay sa SONA ng Pa­ngulo. (Angie dela Cruz)

Show comments