Manyakis na snatcher arestado

MANILA, Philippines - Nadakip at nakulong ang isang 23-anyos na snatcher na kinuyog ng taumbayan ma­tapos manghalik, mandakma at manlamas ng dibdib ng isang babae na kaniyang ina­gawan ng cellphone sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Kasong Acts of Lascivious­ness at Robbery (snatching) ang iniharap laban sa suspek na si Ryan De Guzman, may asawa, tricycle driver, ng 2010 Almeda St. corner Batangas St., Sta. Cruz, Maynila dahil sa reklamo ng biktimang si Liezl Dungca, 23, ng 2226-B, Rizal Avenue, Sta. Cruz.

Ayon kay P/Supt. Ernesto Tendero Jr., hepe ng MPD-Station 3, dakong alas-4:10 ng madaling-araw ng maga­nap ang insidente sa pagitan ng Batangas at Laguna sts. sa Rizal Avenue, Sta. Cruz.

Galing sa isang conve­nient store ang biktima nang biglang sumulpot ang suspek at pagyayakapin ang biktima at hinalikan bago nilamas ang dibdib. Matapos iyon ay dinu­kot ang bulsa ng biktima at kinuha ang cellphone bago nagtatakbo.

Dahil sa sigaw ng biktima, kaagad umanong sumaklolo ang live-in partner at mga ka­sama nito na tumugis sa tumatakas na suspek.

Nakorner ang suspek at nabawi ang Nokia 3100 cell­phone. (Ludy Bermudo)

Show comments