^

Metro

Swindler nabuking kahit nagpabago ng mukha

-

MANILA, Philippines - Isang 45-anyos na babaeng big-time swindler umano na sinasabing nagparetoke ng mukha upang di makilala dahil sa patung-patong na kaso ng panloloko sa Pilipinas at Estados Unidos ang dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation nang muling ireklamo sa katulad na kaso sa Malate, Maynila.

Nabatid na naunang ipinadeport mula sa Estados Unidos matapos mapagsilbihan ang sentensiya sa kasong fraud ang suspek na si Nimfa Montes Beredo na gumagamit ng alyas “Patricia Beredo” at residente ng 2106 Prez & Cabana Bldg., Taft Avenue, Malate.

Ayon kay NBI Director Nestor Mantaring, si Beredo ay isang convicted swindler kaya nagpapalit ng mukha upang itago ang kaniyang katauhan bago maaresto nitong Hulyo 1 sa kaniyang tinutuluyan sa Malate.

Kasalukuyang nakapiit sa NBI detention cell si Beredo habang hinihintay ang commitment order para sa paglilipat sa kaniya sa Cor­rectional Institute for Women para pagsilbihan din ang mga kaso sa Pilipinas.

Nag-ugat ang pagtugis kay Beredo nang mag­reklamo sa NBI-Anti-Organized Crime Division Chief Assistant Regional Director Marianito Panganiban ang isang Michaela Canete ng Techno Quest Manpower Corpo­ration sa kasong estafa.

Nakalap din ng NBI na bukod sa pinaka­huling reklamo laban kay Beredo, may mga kasong estafa pang tinakasan ito na umabot sa P500,000 noong 1995 hanggang 1996. Habang dinidinig sa korte ang kaso ay tumakas ito patungong Amerika.

Habang wala sa Pilipinas, nahatulan ng 17 hanggang 20 taong pagkakulong ‘in absentia’ si Beredo sa sala ni Judge Alicia P. Marin-Co ng Pasig City Regional Trial Court.

Nabatid na sa US na nagparetoke ng mukha si Beredo at gumamit ng pangalang Patricia Beredo sa pambibiktima sa kapwa Pilipina roon at nagpapakilalag isang travel agent at muling nakapambiktima na umabot umano sa mahigit sa daan libong dolyares.

Nakulong at nahatulan sa US si Beredo ng mula 2004 hanggang 2007 bago siya ipanadeport noong Agosto 2007.

Dahil sa pagtatago sa bagong mukha at pa­ngalan, hindi siya inaaresto ng Philippine Immigration. Nang dumating sa PIlipinas ay patuloy umano sa iligal na transaksiyon ang suspek partikular sa travel at ticketing business.

Nabatid na nitong Hunyo 2009 ay nagduda si Canete sa paghawak ng transaksiyon ng suspek partikular sa pera kaya isinuplong sa NBI. (Ludy Bermudo)

ANTI-ORGANIZED CRIME DIVISION CHIEF ASSISTANT REGIONAL DIRECTOR MARIANITO PANGANIBAN

BEREDO

CABANA BLDG

DIRECTOR NESTOR MANTARING

ESTADOS UNIDOS

HABANG

NABATID

PATRICIA BEREDO

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with