P32-M halaga ng puslit na bigas, nasabat

MANILA, Philippines – Nasabat ng Bureau of Customs-Customs Intelli­gence and Investigation Service (BOC-CIIS) ang tina­­tayang P32 milyon ha­laga ng mga smuggled na matataas na uri ng bigas mula sa Bangkok,Thailand.

Ayon kay BOC Com­mis­sioner Napoleon Mo­rales, nasabat ng mga ope­ra­tiba ng CIIS sa Ma­nila International Container Port (MICP) ang may 20 container van ng high grade rice sakay ng da­la­wang shipment na Maersk Buffalo at Kaye Inter­national Trading Corp.

Nabatid na wala ring review of import docu­ments at deklarasyon na Bill of Lading mula sa De­partment of Agriculture at National Food Authority na isang mahalagnag doku­mento upang makapag import ng bigas.

Idinagdag naman ni Morales na upang hindi masayang ang nasabing mga bigas ay kanila na lamang itong i-o-auction na dagdag na kita pa ng gobyerno.

Nilinaw naman ni DAR Sec. Arthur Yap na ang mga accredited rice tra­ders lamang ng NFA ang siyang maaring sumali sa auction. (Gemma Amargo-Garcia)


Show comments